TOKYO (AP) — Isang malakas na bagyong tumangay sa tatlong American airmen sa dagat ng Okinawa, na ikinamatay ng isa, ang nanalasa sa central Japan noong Lunes, inantala ang biyahe ng mga tren at eroplano, at nagbunsod ng mga landslide bago lumabas patungong Pacific Ocean.

Sa iba pang bahagi ng Pacific, isang hiwalay na bagyo ang lumaslas sa Mariana Islands, kabilang na ang Guam, dala ang malakas na hangin at ulan.

Sa Japan, sinuspinde ang serbisyo ng bullet train mula Tokyo hanggang Osaka dahil sa malakas na ulan at mahigit 600 flights ang kinansela sa Haneda Airport ng Tokyo.

Mahigit dalawang milyong katao ang pinayuhang lumikas, ayom sa Kyodo News service.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tumama ang bagyong Phanfone malapit sa lungsod ng Hamamatsu dakong 8 a.m., at bumaling patungong hilaga bago lumiko sa silangan patungong Pacific north ng Tokyo.

Isa sa tatlong US airmen na nawawala sa Okinawa ang natagpuang patay sa northern coast. Patuloy na pinaghahanapang dalawa pa, ayon sa Air Force at Japanese coast guard.