IPINAGDIRIWANG ang Feast of the Most Holy Rosary sa Oktubre 7 upang parangalan si Virgin Mary bilang Queen of the Holy Rosary. Ang pista ay itinatag ni St. Pope Pius V, bilang pasasalamat at paggunita s ng tagumpay ng hukbong-dagat ng Katolikong kalipunan ng mga sasakyan laban sa hukbong Turkish sa Battle of Lepanto noong 1571 – isang pangwakas na tagumpay na iniugnay sa Our Lady sa pamamagitan ng Rosaryo. Dati itong tinatawag na Feast of Our Lady of Victory.

Binago ni Pope Gregory XIII ang Feast of ur Lady of Victory at ginawang Feast of the Most Holy Rosary noong 1573. Pinalawak ni Pope Clement XI ang pista sa Pandaigdigang Simbahan nang ilaga niya ito sa Roman Calendar noong 1716. Itinalaga ni Pope Pius X ang petsang Oktubre 7 noong 1913 para sa pista. Hinikayat ng mga sumunod na papa ang mga deboto na manalangin sa Our Lady of the Rosary. Sa panahon ng kanyang mga aparisyon sa Fatima, Portugal, kinumpirma ni Virgin Mary ang kanyang titulo, “I am the Lady of the Rosary.”

Ayon sa relihiyosong salaysay, ang Rosaryo ay malawakang pinipintuho sa mga bansang Katoliko sa buong mundo. Ilang mga milagro ang iniugnay sa pamamagitan ng pagdasal ng Rosaryo. Ang espesyal na pagkagiliw ng mga Pilipino kay Birheng Maria at sa Rosaryo ay isang paraan ng paghiling ng kanyang pamamagitan. Kilala siya sa maraming pangalan, at ang kanyang dambana at matatagpuan sa maraming lalawigan sa buong bansa. Lady og Manaoag sa Pangasinan, Mother of Perpetual Help sa Baclaran, Lady of Piat sa Cagayan, Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City, Lady of Mt. Carmel sa Lipa City, Inag Poong Bato sa Zambales, lady of Turumba sa Laguna, at Lady of the Holy Rosary La Naval de Manila. Ang mga Pilipinong Katoliko ay idinarasal ang Rosaryo araw-araw sa mga simbahan, sa kanilang mga tahanan o habang bumibiyahe sa lupa, dagat, at kalawakan, upang hilingin ang proteksiyon ng Our Lady. Gaya ng sinabi ni St. Padre Pio, “ ang Rosaryo ang ating sandata.”

Ang Rosaryo ay isang panalangin na pinukaw ng Biblia na nakasentro sa pagninilay-nilay sa mga misteryo ni Jesus Christ bilang pakikisa sa Virgen Mary, na iniugnay sa pagkakatawang tao, pagpapakasakit, at muling pagkabuhay ng kanyang anak. Ang mga Misteryo ng Tuwa, Hapis, Luwalhati, at Liwanag ay hinugot mula sa Bagong Tipan, pinagninilayan ang mga kaganapan sa buhay ni Jesus at ng Kanyang ina. Ang tradisyunal na unang tatlong misteryo ay isinapinal noong 16th Century. Si St. John Paul II ay idinagdag ang Luminous o Ligt Mysteries noong Oktubre 16, 2002.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!