Coco martin

SA initiative ng kanyang manager at ng kanilang lawyer na si Atty. Lorna Capunan ay natuloy na ang hinihinging meeting ni Coco Martin sa women's group na na-offend at nagrereklamo sa pagrampa niya na may akay na nakataling babae sa The Naked Truth fashion show ng Bench.

Naisagawa ang pag-uusap ng Gabriela, Phil. Commission on Womens at iba pang women's group dahil talagang gumawa ng paraan si Coco para personal niyang makausap ang mga ito.

Kahapon ng tanghali sa Mom & Tina's Bakery Cafe, humarap sa media ang magkabilang panig at nakakatuwang malaman na pawang tagahanga pala ni Coco ang matatapang na tagapagtanggol sa karapatan ng kababaihan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Liza Maza, ang chairperson ng Gabriela, hindi pa sikat si Coco ay hinangaan na niya ang aktor sa pelikulang Kinatay. Ngayong nakaharap at nakakilala na niya nang personal ang aktor, "Malalim siya na tao. He's a man of substance. 'Di lang siya mahusay na artista, mahusay siya na tao."

Nagbigay ng commitment sa women's group si Coco na tutulong siya sa pagpapalaganap ng kampanya para matigil ang karahasan laban sa kababaihan.

Siyempre, inilahad ni Coco ang kanyang saloobin at kasabay na rin ng paghingi ng paumanhin ay inamin niya na nasaktan niya ang sensibilidad ng marami nating kababayan, pero iiwasan na niyang maulit pa iyon.

Pakiramdam ng actor ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan.

Samantala, napag-alaman naman na sinulatan na ng Gabriela ang pamunuan ng Bench. Binanggit din ni Liza Maza na below the belt ang mga sinabi ni Richard Gomez tungkol sa paghingi ng sorry ni Coco Martin.

"We will not take this sitting down," sabi ng chairperson ng Gabriela, "nag-apologize na nga si Coco at ang Bench, bakit naman nagsasalita pa siya ng gano'n? Hindi totoong nag-iingay at namumulitika lang kami."