Patung-patong na kaso ang kinakahap ng isang umano’y miyembro ng “Bukas Kotse” gang nang madakip ito ng awtoridad, makaraang pagnakawan at limasin ang laman ng sasakyan ng isang engineer at pagkatapos ay tinangka pa nitong suhulan ang pulis na umaresto sa kanya upang hindi siya makulong sa Valenzuela City, Linggo ng hapon.

Sa panayam kay Senior Supt. Rhoderick C. Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, robbery at bribery of public official ang mga kinakaharap na kaso ni William Cabuhat, 39, ng Bagong Barrio, Caloocan City. Sinabi ni Senior Insp. Joseph Ortega, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Regional Police Office, na pinalaya ng mga kidnapper ang 27- anyos na si Michael Kho dakong 6:00 ng umaga kahapon sa baybayin ng Zamboanga City.

Kuwento ni Armamento, bandang 5:00 ng hapon, papauwi si PO3 Armando Garcia galing sa duty sakay sa kanyang motorsiklo at bumabagtas sa McArthur Highway sa Barangay Marulas nang mapansin niya ang kahina-hinalang kilos ni Cabuhat habang bitbit ang dalawang itim na bag.

Sinita ito ni Garcia at nang busisiin ang laman ng bag ng suspek ay nakita ang isang iPad na nagkakahalaga ng P40,000, ATM cards, managers checks at P15,000 cash.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang sitahin ng pulis, inamin ng suspek na ang mga gamit ay ninakaw niya sa nakaparadang Tamaraw FX sa harap ng isang restaurant sa Bgy. Marulas. Nabatid ng pulisya na ang sasakyan ay pag-aari ni Engineer Wilbert Tan, 48, ng Project 8, Quezon City.

Upang hindi madala sa kulungan, inalok ni Cabuhat si Garcia na ibibigay sa huli ang lahat ng kanyang ninakaw, palayain lamang siya.

Sa inis ng pulis, pinosasan niya at dinala sa Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela City Police si Cabuhat.