MURSITPINAR Turkey (Reuters)— Nagbakbakan sa mga lansangan ang mga tagapagtanggol ng Kurdish at ang mga militanteng Islamic State na umabante sa Kobani noong Lunes, matapos ang halos tatlong linggong pag-aatake sa hangganang bayan ng Syria, sinabi ng mga residente at mga mandirigma.

Bago nito ay itinaas ng Islamic State ang kanyang itim na bandila sa isang gusali papasok ng bayan at nagbunsod ng paglikas ng libu-libo pang Kobani na karamihan ay mga Kurdish patungo sa mga katabing hangganan papasok ng Turkey.

Sinabi ng pinuno ng puwersang Kurdish na dumedepensa sa bayan noong Lunes ng gabi na ang puwersang Islamic State ay umabante na ng 300 metro sa silangang distrito ng Kobani at pinagbabaril ang mga nalalabing pamayanan.

“We either die or win. No fighter is leaving,” ani Esmat al-Sheikh, lider ng Kobani Defense Authority, sa Reuters. “The world is watching, just watching and leaving these monsters to kill everyone, even children...but we will fight to the end with what weapons we have.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists