Ibinalik sa serbisyo ng Civil Service Commission (CSC) ang aabot sa 62 kawani ng Nueva Vizcaya matapos ideklara ng ahensiya na “illegal ang pagsibak sa mga ito.”

Sa desisyon ng CSC, binanggit na labag sa batas ang inilabas na executive order ni Nueva Vizcaya Governor Ruth Padilla na “nagpapawalang-saysay at bumabawi” noong nakalipas na taon sa appointment at promosyon ng 196 na kawani ng lalawigan sa termino ni dating Gov. Luisa Cuaresma.

Matatandaang idinahilan ni Padilla sa pagtanggal sa serbisyo sa mga ito ang umano'y iregularidad sa appointment ng mga ito.

“(The allegation) that the appointments were supposedly tainted by serious legal infirmities that rendered them void ab initio does not justify the governor into (sic) arrogating unto herself the power to strike down the appointments in question,” saad sa desisyon ng CSC na inilabas noong Oktubre 2, 2014.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa halos 200 kawani na tinanggal, 62 lang sa mga ito ang nakipaglaban upang maibalik sa puwesto.

Iniutos din ng CSC na bayaran ng pamahalaang panglalawigan ang back wages at iba pang benepisyo ng mga tinanggal na kawani.