Jasmine Curtis

NAGTABLA si Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at ang veteran actress na si Rustica Carpio sa Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) sa katatapos na 11th Golden Screen Awards (GSA) given by the Entertainment Press Society. Kapwa sila first time winners sa Golden Screen Awards.

Ginanap ang parangal noong Sabado sa Teatrino, Greenhills which was hosted by John “Sweet” Lapus.

Nagwagi si Gov. Vilma para sa kanyang pagganap bilang bit player o “ekstra” na si Loida Malabanan sa kanyang Cinemalaya debut movie na Ekstra samantalang ang 84-years-old na si Ms. Rustica ay nanalo para sa kanyang performance bilang Teresa, ang matapat na yaya na nahaharap sa walang katiyakang bukas nang mamatay ang kanyang amo sa Jose Javier Reyes film na Ano Ang Kulay ng Mga Nakalimutang Pangarap?.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi nakadalo si Gov. Vi na ilang araw nang sinusumpong ng ulcer pero she was ably represented by her Vilmanians na sinuportahan ang aktres by attending the Golden Screen Awards night.

Ang award ni Gov. Vi ay tinanggap, on her behalf, ng kanyang Ekstra co-star Ruby Ruiz, na nominadong best supporting actress para sa Jeffrey Jeturian film.

Gulat na gulat naman si Ms. Rustica nang unang basahin ni John Lapus ang kanyang pangalan bilang winner. Halos mapalundag siya sa pagtayo. Niyakap niya ang kanyang kasama then naglakad nang marahan patungong entablado para tanggapin ang kanyang award.

Sa interview with Sweet, winika ng beteranang aktres na she turned 84 nitong Agosto. Mas aktibo na raw siya sa pag-arte ngayon dahil nagretiro na siya sa pagtuturo. Naging Dean siya sa Polytechnic University of the Philippines at nagtuturo siya roon ng drama.

“Gusto kong magpasalamat sa Panginoong Diyos sa blessing na ito. Wala akong inaasahan sa aking pagdalo ngayong gabi. This award is truly a blessing,” wika ni Ms. Rustica na nagsimula ng kanyang acting career sa Ishmael Bernal film na Nunal sa Tubig noong 1976.

Nagwagi rin si Joel Torre ng Best Performance by An Actor in a Lead Role (Drama) sa kanyang pagganap bilang assassin sa Erik Matti film na On The Job. Ito rin ang kanyang unang best actor trophy mula sa Golden Screen Awards.

“Nakaka-inspire na manalo ng award kasi parang reward ito for a job well done. Kahit na ilang beses na akong nanalo ng award ay nakakasabik at nakaka-excite pa rin,” pahayag ng aktor.

Sina Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz, ang lovable pair bilang Laida and Miggy in Cathy Garcia Molina’s It Takes A Man and A Woman ay nagwagi naman bilang best actress at best actor respectively sa musical or comedy category.

Ang nasabing Star Cinema movie ay dinirihe ni Cathy Garcia Molina, ang nagwagi rin ng tropeo para sa Best Motion Picture (Musical or Comedy).

Pero kapwa hindi nakarating sina Sarah at John Lloyd. Nasa launch ng kanyang bagong album si Sarah samantalang nagbabakasyon naman sa Cagayan de Oro si Lloydie.

Winner naman sina Jasmine Curtis Smith and Marc Justine Alvarez ng Best Breakthrough Performance by an Actress and Actor, respectively, for the movie Transit. Ang award ng Kapatid Princess na nagbabakasyon sa Australia, ay tinanggap ng kanyang manager na si Betchay Vidanes.

Siyam na tropeo ang iginawad sa Transit, produced by Cinemalaya Foundation and TEN 17P headed by Paul Soriano.

Winner ng best direction award si Hanna Espia for her debut film at siya ang nag-iisang babaeng director among the finalists sa naturang kategorya.

Tinalo ng 27-year-old filmmaker ang isang elite field na kinabibilangan nina Lav Diaz (Norte, Hangganan ng Kasaysayan), Jeffrey Jeturian (Ekstra), Erik Matti (On The Job) at Jose Javier Reyes (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap). Tinawag siya nang gabing iyon bilang giant slayer dahil tinalo niya ang mga beteranong director na na mas matanda sa kanya

Aniya, inspirasyon niya ang mga director na ito sa kanyang career.

Ang 11th Golden Screen Awards ay hatid ng Enpress in cooperation with Dr. Tam Mateo, Nash Coffee by Manila Golden Archer Group, Inc. Major sponsors naman sina Sen. Nancy Binay, Pomepure Nexus 7P, Manila City Councilor Yul Servo, CML Beach Resort (located at Brgy. Nonong Casto, Lemery, Batangas) and Manila City Vice Mayor Isko Moreno.

Ang major acting winners ay nakatanggap ng gift certificate for an overnight stay at CML Beach Resort and Water Park. Lahat ng winners ay nakatanggap din ng loot bag mula sa Nash Coffee.

(Editor’s note: Bukas ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.)