Sa harap ng sunud-sunod na pagkakasangkot ng mga awtoridad sa iba’t ibang krimen, bahagyang naibangon ng isang pulis-Caloocan ang imahe ng Philippine National Police (PNP) dahil sa igagawad sa kanyang parangal matapos niyang mapatay ang dalawang holdaper na nambiktima kamakailan sa isang gasolinahan sa Quezon City.

Sa kahanga-hangang katapangang ipinakita ni PO2 Cezar Tolentino, nakatalaga sa Station Investigation (SID) ng Caloocan Police Station, ay sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na dapat magpasa ng resolusyon ang Konseho na magbibigay parangal dito.

Ayon sa report, off-duty noon si Tolentino at nagpapakarga ng gasolina sa Quirino Highway sa Quezon City, sakay sa kanyang motorsiklo nang bulungan ng gasoline boy na hinoholdap ng dalawang lalaki ang kanilang kahera.

Maingat na pinuntahan ng pulis ang kahera at nakita niyang nililimas na ng dalawang lalaki ang pera sa kaha, habang nakatutok ang baril sa cashier.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinakiusapan ni Tolentino ang dalawa na sumuko, pero nagpaputok ang mga ito kaya gumanti ang pulis na ikinasawi ng mga holdaper.

Sinabi ni Mayor Malapitan na dapat lang na parangalan ng pamahalaang lungsod si Tolentino, sa pamamagitan ng pagkilala ng buong konseho sa kabayanihan nito at katapatan sa tungkulin.