PAGKATAPOS ng Pulse Asiya survey noong nakaraang linggo na nagpakita ng pagtutol ng 62% ng mga mamamayang Pilipino sa mungkahing amiyendahan ang Konstitusyon upang pahintulutan si Pangulong Aquino na muling tumakbo sa panguluhan, hindi na dapat talakayin pa ang Charter Change.
Hindi dapat tanawin iyon ng Pangulo bilang larawan ng kanyang performance. Pagpapahayag lamang iyon ng paghahangad ng mga mamamayan na subukan naman ang iba - gaya ng isang bagong administrasyon. Nagkaroon kasi sila ng di kanais-nais na karanasan sa nakaraang administrasyon na tumagal ng 20 taon, at isa pa na tumagal ng siyam na taon. Kung sumulong ang bansa sa mga panahong iyon, mas nanaisin ng sambayanan ang pagbabago, na subukan naman ang bago - totoong umaasam ang mga Pilipino.
Mainam na rin at nagsalita na ang sambayanang Pilipino ay una nang idineklara ng Pangulo na pakikinggan niya ang kanyang mga “boss.” Hindi kasi magandang tingnan sa kanyang record, kahit pa sa kasaysayan, na pinabago ng Pangulo ang Konstitusyon sa nakikita ng nakararami na sa dahilang makasarili.
Ang ating Konstitusyon ay produkto ng pag-iisip at mga deliberasyon ng isang Constitutional Commission na ang mga miyembro ay itinalaga ni dating Pangulong Corazon C. Aquino. Bahagi nito ang reaksiyon sa 20 taon ng gobyernong diktadurya, kabilang ang siyam na taon ng martial law. May probisyon ito laban sa mga political dynasty. Taglay nito ang mga limitasyon hinggil sa pakikisangkot ng mga banyaga sa mga industriya at media sa Pilipinas. Nilimitahan din nito ang termino ng pangulo sa anim na taon nang walang re-election. Ito at ang iba pang mga probisyon ay may layuning iwasan ang pag-uulit ng dating administrasyon na masyadong tumagal sa panunungkulan.
Kung sa hinaharap ay magkakaroon ng situwasyon kung saan totoong kailangan ang isang bagong Konstitusyon, mas makabubuting magkaroon ng isang Constitutional Convention upang balangkasin iyon, isang espesyal na lupon na halal ng taumbayan para sa espesyal na layunin. Dapat magkaroon ito ng sapat na panahon upang talakayin at pagdebatihan at kalaunan ay magpasya. Dapat itong magkaroon ng mas marangal na hangarin kaysa pahintulutan ang ilang opisyal na patagakin ang kanilang pananatili sa gobyerno o tupdin ang makitid na pansariling interes ng iba.