ANG matayog na Manila Hotel, idineklarang historical landmark noong Pebrero 3, 1997, ay ipinagdiriwang ng kanyang ika-102 anibersaryo ngayong Oktubre 6, 2014. Isang maringal na edipisyo sa kahabaan ng Manila Bay, ito ang pinakamatandang premier hotel sa bansa, na unang nagbukas sa publiko noong Hulyo 4, 1912 – ang pinakamoderno sa Asia - upang gunitain ang Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay muling binihisan noong 1970s, ngunit pinanatili ang kanyang Old World na kariktan at ang mga elemento ng unang panahon upang ito ay maging katangi-tangi sa iba pang mga five-star hotel.

Itinayo ang hotel alinsunod sa orihinal na plano noong 1900s, ng arkitektong si Daniel H. Burnam; ito ay madiskarteng binuo malapit sa harbor bay, na nagbibigay dito ng magandang tanawin ng maalamat na paglubog ng araw sa Manila Bay. Ito ang unang hotel na nag-alok ng modernong kaginhawahan gaya ng air conditioned na mga silid, linya ng telepono, at ng unang elevator sa Asia. Ang Manila Hotel, ang Grand Dame of the Philippines, ay babad sa kasaysayan at tradisyon; ito ay isa sa iilang muson na naging saksi sa maraming kaganapan ng ika-20 at ika-21 siglo.

Ang hotel ay naging “Address of the Prestige” para sa mga pinuno ng estado, matataas na opisyal, mga miyembro ng royal family, prominenteng indibidwal, mga lider ng negosyo, world–class na mga artist, at yaong nasa matataas na lipunan. Ilan sa mga dakilang pangalan na nanuluyan sa hotel ay sina Gen. Douglas MacArthur na military advisor sa Commonwealth Government; ipinangalan sa kanya ang eleganteng “MacArthur Suite. “ Ang hotel ay naging pansamantalang tirahan din nina King Juan Carlos at Queen Sofia ng Spain, Prince Albert ng Monaco, mga Pangulo ng United States na sina Bill J. Clinton, Richard M. Nixon, at Lyndon B. Johnson, Pakistan Prime Minister Benazir Bhutto, Indonesian President Megawati Sukarnoputri, mga mang-aawit na gaya ng Beatles, at ni Michael Jackson, at ng dakilang boksingero na si Muhammad Ali. Ito ang hotel of choice ng pamosong novelist-playwright na si Ernest Hemingway, na nagsulat na, “It’s a good story if it is like Manila Hotel.”

Ang Manila Hotel ay may kanya ring bahagi ng mga tagpo na humubog sa kasaysayan ng Pilipinas: ito ang venue ng ASEAN Summit noong 1996, ng Constitutional Convention noong 1970, ang lugar kung saan ibinigay ni Pangulong Corazon C. Aquino ang kanyang talumpati na naging turning point ng kanyang karera sa politika; at ng 19th General Assembly ng World Veteran’s Federation.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mayamang kasaysayan Manila Hotel ang naghihiwalay sa kanya sa iba pang mga hotel sa Metro Manila. Ngunit bagaman ipinagmamalaki ng hotel ang kanyang mga pamana, nilalayon din nitong makasabay sa nagbabagong pamantayan ng mga five-star hotel. Puspusang nagsusumikap ang Manila Hotel na makalikha ng perpektong balanse ng tradisyon at pagiging makabago. Ang bawat pagkukumpuni at pagsasaayos na kanyang isinasagawa ay bahagi ng kanyang pangako na dadalhin ang Manila Hotel sa hinaharap.