Kumilos na ang Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang Bureau of Internal Revenue (BIR), sa pagsasagawa ng lifestyle check sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagkakasangkot sa korupsiyon ng ilang matataas na opisyal ng pulisya.

Dulot na rin ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni PNP Chief Director General Alan Purisima, na umano’y may tagong yaman, at ng naunang pagkakadawit ng ilang pulis sa kaso ng “hulidap” sa EDSA, iginiit ng publiko kay DILG Secretary Mar Roxas na paigtingin ang paglilinis sa PNP.

Kaugnay nito, hinamon ng publiko na sumailalim sa lifestyle check ni Purisima, na pinayagan ng DILG, at kinumpirma naman ni BIR Commissioner Kim Henares na tutulong ang kawanihan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho