Iniwan ng papaangat na runners na sina Emmanuel Comendador at Ruffa Sorongon ang kani-kanilang mga karibal upang maselyuhan ang top spots sa 21K events ng ika-12 qualifying race ng National MILO Marathon na idinaos sa Tagbilaran, Bohol kahapon. May 4,000 mananakbo ang sumali sa pinakamalaki at prestihiyosong karera sa bansa, at 30 runners ang nakasiguro ng kani-kanilang qualifying slots para sa National Finals na nakatakda sa Disyembre 7 sa Mall of Asia grounds.

Kapwa tumanggap sina Comendador at Sorongon ng premyong P10,000, tropeo, at ang inaasam na slot sa National Finals para sa pagkakataong mapasakamay ang titulo bilang MILO Marathon King and Queen. Ipadadala ng MILO ngayong taon ang tatanghaling hari at reyna ng marathon sa Japan para sa isang all-expense paid trip para sa 2015 Tokyo Marathon.

Ginamit ang magandang panahon para sa kanyang bentahe, nagtapos sa unang puwesto si Comendador sa kanyang oras na 01;16:00. Sina Elmer Bartolo (01:17:00) at Azlan Pagay (01:17:00) ay nagtapos na ikalawa at ikatlo, ayon sa pagkakasunod.

Ito lamang ang ikalawang pagkakataon na sumali si Comendador sa 21K event, ngunit ipinakita ng 25-anyos mula Tagbilaran ang kanyang tikas at galing upang matikman ang tagumpay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I wasn’t really ready because of a series of unfortunate events. Last Friday, as I was on my way to school, my motorbike got hit and I was ill with fever,” ani Comendador, isang Marine Engineering student mula sa Philippine Marine Institute.

“I wasn’t really planning to join the marathon but my coach Jojo Posadas encouraged me to do so. I’m grateful that he pushed me to join and I will ask him to help me prepare for the National Finals,” dagdag niya.

Sa distaff side, dinomina si Sorsogon ang naturang event, nagtapos sa unahan ng kanyang mga karibal ng mahigit 16 minuto. Nagposte si Sorsogon ng oras na 01:33:48, lubhang malayo sa pumangalawang si Jennifer Sabella (01:49:08) at third placer na si Rhodora Oporto (01:50:06).

Ang 23-anyos mula South Cotabato ay tatlong taon nang sumasali sa MILO Marathon, at nakapagkuwalipika sa National Finals noong isang taon.

“My older brother, Kuya Sherwin, is the one who trains me. He also qualified in the National Finals before. We trained for six weeks, with 1K runs for six days and continuously adding up distance until we were able to do 150K each week,” saad ni Sorongon. “Kuya Sherwin said I need to train more for long distance running so I can build up my determination and endurance. Vitamins, rest, proper food are going to be vital in my preparations. And of course, continue praying for God’s guidance.”

Ipinahayag ni MILO Sports Marketing manager Andrew Neri ang kanyang kagalakan sa mga pangyayari sa Tagbilaran leg ng National MILO Marathon.

“We are very pleased to see the Boholano community come together in the MILO marathon, ready to race with big smiles and full hearts,” sabi ni Neri. “Even though Bohol still has a long way to go in their recovery from the 2013 earthquake, the resilience and courage exhibited by the Boholenos is truly admirable. We are happy to see the Boholano spirit on display at the race, and we at MILO salute them with great respect. They are the perfect example that Filipinos can rise up against any adversity that we are faced with.”

Suportado ng Department of Education at National MILO Marathon runner, magbibigay ang Help Give Shoes project ng MILO ng 16,000 pares ng bagong running shoes sa mga kabataan ngayong taon. Sa pagdiriwang ng MILO ng ika-50 taon, layon ng Help Give Shoes na magbigay ng donasyon sa mga estudyante partikular sa mga tinamaan ng bagyong Yolanda na Tacloban, Ormoc at Eastern Samar.

Ang susunod na qualifying race ay idaraos sa Cebu sa Oktubre 12 bago ito magpatuloy sa Butuan (Oktubre 19), Cagayan De Oro (Nobyembre 9), General Santos (Nobyembre 16), at Davao (Nobyembre 23). Ang National Final ay magaganap sa Disyembre 7 sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Ang 38th National MILO Marathon ay hatid ng Timex, Bayview Park Hotel Manila, ASICS, Lenovo, Manila Bulletin at Gatorade, at suportado rin ng Department of Education, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa MILO Philippines, maaaring mag-log on sa kanilang opisyal na website (http://www.milo.com.ph) at MILO Philippines Facebook page (https://www.facebook.com/milo.ph). Maaari ring sundan ang MILO sa Twitter (@MiloPH) at Instagram (@MiloPhilippines).