Ni REY BANCOD

INCHEON– Ang koponan na muntik nang talunin ng Gilas Pilipinas na wala si Marcus Douthit sa quarterfinals ay ang bagong Asian Games champion.

Inungusan ng South Korea ang Iran, 79-77, noong Biyernes ng gabi upang hablutin ang gold medal sa men’s basketball.

Pinamunuan ni Moon Taejong ang Koreans sa naiposteng 19 puntos bagamat naglaro lamang ng 19 minuto. Taglay nito ang 5-of-9 shooting mula sa field.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ibinuslo ng American-born Korean ang split sa kanyang charities sa nalalabing 14.6 seconds na nagbigay pa sa Iranians ng isa pang tsansa upang itabla o ipanalo ang laban.

Natanggap ni Samad Bahrami, ang Iran’s top scorer sa naiposteng 30 puntos, ang bola mula kay playmaker Mahdi Kamrani at saka isinalansan ang three-point shot mula sa arko subalit sumablay ang basket nito.

Kinuha ni Hamed Ehadadi ang bola mula sa rebound ngunit tumalbog lamang ang kanyang banked shot sa rim kung saan ay dito na nagselebra ang Koreans habang naghihiyawan ang tila nagdedeliryong home crowd sa Samsan World gymnasium.

Mas naging maganda ang buslo ng Iranians mula sa field, 52 porsiyento kumpara sa 49% ng Korea, ngunit ang bagong kampeon ay mas maraming attempts mula sa field, 55-51.

Nakamit ng Iran ang 16 turnovers, anim kay Bahrami na naglaro ng halos 36 minuto.

Na-outrebounded ng Iran ang South Korea, 32-23, ngunit ‘di nagamit ng mga ito ang kanilang taas at heft advantage.

Nabigo ang Gilas Pilipinas sa Iran at South Korea kung saan ay tumapos sila na nasa ikapitong puwesto, ang pinakamasamang showing ng bansa sa Asian Games.

Ang iskor:

KOREA 79 – Moon 19, Kim J. 17, Cho 16, Yang 8, Oh 4, Lee 2, Kim S. 2, Kim T. 0, Heo 0

IRAN 77 – Bahrami 30, Ehadadi 14, Kamrani 10, Afagh 8, Zangeneh 5, Mashayekhi 4, Sahakian 3, Yakhchalidehkordi 0, Aslani 0, Jamshidijafarabadi 0

Quarters: 25-16, 42-36, 58-61, 79-77