Magtatapos ngayon ang tatlong araw na fun shooting competition ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Richard Albano, na ang kikitain ay ilalaan sa pagpapagamot sa mga pulis-
Quezon City na nasugatan at nasawi sa pagtupad sa tungkulin.
Nabatid na ang tatlong araw na paligsahan ay tinaguriang “Director’s Cup Shoot for a Cause” na nagsimula noong Biyernes sa QCPD Firing Range.
“I look at it as a best practice that aims to raise funds for the purpose of extending financial assistance to our injured and fallen comrades while performing their duty, and we’re hoping that this will be institutionalized,” saad ni Albano.
Nilahukan ang naturang shoot fest ng mga tauhan ng QCPD, miyembro ng quad-media at civilian gun enthusiast.
Layunin din, aniya, ng fun shoot, na sinuportahan din ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista, na mahasa ang mga pulis sa tamang paghawak ng baril sa pagsugpo ng kriminalidad.