Ni RAYMUND F. ANTONIO

Determinado ang iba’t ibang grupo, sa pangunguna ng Simbahang Katoliko, na isulong ang panawagang magbitiw sa puwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III bunsod ng iba’t ibang kontrobersiya na kinasasangkutan ng administrasyon nito at sa pagbulusok ng public satisfaction rating ng Presidente.

“Will it prosper or not, they will continue (to protest) what they believe in. The higher government should know that the National Transformation Council (NTC) is not alone on its call for the President to resign,” pahayag ni retired Archbishop Oscar Cruz.

Isang dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang iba pang grupo na nananawagan sa pagbibitiw ni Aquino ay ang Resign Aquino Now (RAN) at Aquino Resign Movement (ARM).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Cruz, lumalaki ang kanilang hanay dahil sa realidad na patuloy ang paglubog sa kahirapan ng mga maralita at pagkakasangkot ng ilang opisyal ng gobyerno sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Bukod dito, malinaw din, aniya, na hindi na pabor ang publiko sa ikalawang termino para kay PNoy base sa resulta ng huling survey ng Pulse Asia.

Nitong nakaraang linggo, nanawagan ang National Transformation Council (NTC) sa Pangulo na magbitiw na sa puwesto dahil wala na umano itong “moral ascendancy” upang pamunuan ang bansa.

Subalit minaliit ito ng Palasyo.

“It is the right of Malacañang to say the President is okay and he is running the country well. It is hard to think that Malacañang will rejoice what the NTC said,” pahayag ni Cruz.