Pabor ang Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa pagbibigay-prioridad ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Ariel Inton sa pampublikong transportasyon sa panukala nitong ipagbawal ang mga pribadong sasakyan sa EDSA tuwing rush hour.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, naniniwala ang kanilang hanay sa prinsipiyo ni Inton na pumapabor sa pampublikong transporasyon at sa nakakaraming commuters at mapaluluwag pa nito ang trapiko sa Metro Manila kapag rush hour.

Anila, dapat na masusing pagaralan ng LTFRB ang nasabing plano dahil lumilitaw na nasa 80 porsiyento ng mga pasahero ang maaaring kapusin sa pampublikong sasakyan, lalo na kung rush hour.

Kapag tuluyang naipatupad ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan sa EDSA mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, sa mga service road at sa mga kalsadang binuksan sa loob ng mga subdibisyon magdadaan ang mga pribadong sasakyan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nabatid naman na hindi pabor sa nasabing plano si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino dahil malalabag umano ang karapatan ng mga may-ari ng pribadong sasakyan.