INCHEON– Tila ‘di naipamalas ng mabuti ng well-funded boxing team ang kanilang kampanya sa 2014 Asian Games, na nagdala sa pressure ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na pag-aralan ng mabuti ang kanilang recruitment at training programs.

Nakakakuha ang Filipino boxers ng sizeable budget mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kanilang allowances, equipment at overseas stints, maliban pa sa perang ibinabahagi ni philanthropist Manny V. Pangilinan.

Bagamat sa tinatamasang suporta, mag-uuwi lamang ang boxers ng 1 silver at 4 bronzes, ang masamang balita na ‘di nila nasundan ang 1 gold, 1 silver at 1 bronze showing may apat na taon na ang nakalipas sa Guangzhou, China.

Sinabi ni boxing association president Ricky Vargas na ang no-gold performance sa Asiad ay ‘di naman makakaapekto sa kanilang mga programa patungo sa leading to the Summer Olympics sa Rio de Janeiro sa Brazil sa 2016.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi naman makasisira kung magkakaroon ng pagbabago, ayon sa isang seasoned boxing expert na ayaw magpakilala.

“We have many talented pro-bound boxers in the provinces but are reluctant to join the national pool because the people who nurtured them are being left out in the equation,” pahayag nito.

“A win-win solution could be tapping them to become assistant coaches.”

Ang coaching ay ang isa pang rason kung bakit ang Filipino boxers ay sumasadsad sa major international events.

“When was the last time we had a foreign coach?” ayon sa expert. “How come we don’t seek help from outside.”

Gumagamit ang boxing association Cuban coaches upang sanayin ang boxers at nagkakaroon naman ng magandang resulta tungo sa kanilang mga tagumpay.

At dahil nakubra ng Kazakhstan ang anim sa 13 gold medals sa Games, magandang kandidato ang coaches na mula sa dating Soviet republic upang tumulong sa Pinoy boxers.

Samantala, isang dating boxing official ang nagmungkahi na imbes na iprotesta ang umano’y biased officiating at hometown decisions, subukan ng ABAP na patatagin ang relasyon ng judges at referees.

“I’m not saying we bribe them, but extend to them our renowned hospitality,” ayon dito.

“This is the reality on the ground. In an evenly-matched bout, the fighter who comes from a friendly country almost often wins,” dagdag nito.

Nagkaroon ng mga reklamo hinggil sa mga desisyon na pumapabor sa host country sa Asian Games.

Ngunit sa pagtatapos ng boxing competition, tanging dalawang Koreans ang tumapos na may gold medals.

Maliban sa Kazakhstan at South Korea, ang iba pang bansa na nagwagi ng tig-isang gold ay ang China, India, Mongolia, Thailand at North Korea. - Rey Bancod