Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

4 p.m. – IEM vs Systema (men’s)

6 p.m. – Army vs Meralco (women’s)

Kapwa siksik sa talento at mahuhusay na mga coach, inaasahang maganda at maaksiyon ang larong matutunghayan ng volleyball fans sa pagbubukas ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“In a short tournament, every game counts, so expect a down-to-the-wire finish in all matches,” pahayag ni defending champion Army coach Rico de Guzman.

Kung pinili ng Lady Troopers na maging All-Filipino, kumuha naman ng kanilang reinforcements ang mga katunggali nilang Cagayan Valley, Meralco at PLDT Home Telpad.

Sa kabila ng kanilang All-Filipino roster, kumpiyansa si De Guzman na makakaya ng kanyang koponan na muling makapag-uwi ng isang titulo kasunod sa kanilang pag-angkin sa nakaraang Open Conference title matapos pataksikin ang dating kampeon na Cagayan Lady Rising Suns.

Gaya ng dati, muling sasandalan ng Lady Troopers ang kanilang league MVP’s na sina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Nerissa Bautista at Mary Jean Balse.

Bukod dito, inaasahan nilang mas lalo pang lalakas ang kanilang koponan sa pagkuha ng serbisyo ng mga dating National University (NU) standouts na sina Dindin Santiago at Carmina Aganaon.

At sa tampok na laro ngayong alas-6:00 ng gabi, inaasahang masusubok kung hanggang saan ang kanilang lakas sa pagsalang nila kontra sa Meralco Power Spikers na pangungunahan nina dating La Salle star Abby Maraño, Thai reinforcement Wanida Kotruang at Japanese Misao Tanyama, kasama ang iba pang local standouts na sina Stephanie Mercado, skipper Maureen Penetrante-Ouano, Jennylyn Reyes, Maica Morada, April Ross Hingpit, Ma. Concepcion de Guzman, Zharmaine Velez, Girly Quemada at Celine Hernandez.

Una rito, magtutuos naman sa pambungad na laro sa ganap na alas-4:00 ng hapon para sa pagbubukas ng unang kompetisyon sa men’s division ang Instituto Esthetica Manila at ang Systema.