Apat na miyembro ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ng mga tauhan ng pulisya at militar sa Apayao, kahapon ng umaga.
Ayon kay Senior Insp. Rafael Tangonan, team leader ng pinagsanib na elemento ng Apayao Provincial Public Safety Company at Provincial Infantry Battalion, nakasagupa nila ang may 10 rebelde sa Barangay Calayucay sa Luna, Apayao habang nangingikil umano sa mga residente.
Ang mga rebelde ay miyembro ng NPA Armadong Makikibakang Masa sa ilalim ni Efren Arquillo, alyas “Mario Domogan.”
Sumiklab ang labanan ng magkabilang grupo at namatay ang apat na rebelde habang walang iniulat na sugatan sa panig ng gobyerno.
Nasamsam sa pinangyarihan ng labanan ang isang M16 rifle, isang UZI machine pistol, isang .38 caliber revolver, dalawang shotgun, dalawang granada, at iba’t ibang bala.
Tinutugis ng militar ang mga nakatakas ng rebelde at patuloy ang imbestigasyon sa kaso.