Oktubre 4, 1535 inilimbag ni Myles Coverdale ang unang kumpletong Bibliya sa English, gamit ang German text ni Martin Luther at ang Vulgate (ang Latin Bible noong Middle Ages) bilang sources. Nakilala ito bilang “Coverdale Bible.”
Lumipas ang ilang taon, ang Coverdale Bible ay nagkaroon ng iba’t ibang estilo at hindi nagtagal ay nagawa din ni Coverdale ang New Testament noong 1539 na tinawag namang “Great Bible.”
Hanggang sa kasalukuyan, makikita pa sa ilang simbahan sa England ang mga nasabing Bibliya na inilimbag ni Coverdale.