Pinigil ng Korte Suprema ang pagsusubasta ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa UP-Ayala Land Technohub.

Ito ay sa pamamagitan ng temporary restraining order na inisyu ng Supreme Court Second Division laban sa plano ng Treasurer ng Quezon City na isubasta ng lokal na pamahalaan ang nasabing property ng UP para ipampuno sa hindi nito nabayarang real estate tax na aabot sa mahigit P117 milyon.

Kasabay nito, inatasan din ng SC Second Division ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon na magsumite ng komento sa inihaing petisyon ng UP sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General sa loob ng 10 araw.

Ang UP-Ayala Technohub ay ang mahigit 380,000 metriko kwadrado na lawak ng propyedad sa UP Diliman na inuupahan ng Ayala Land Incorporated.
Politics

VP Sara may patutsada? 'Lahat pala ng politiko ay hindi mo kaibigan'