Richard Gomez

PANGARAP pala ni Richard Gomez na gumawa silang tatlo nina Aga Muhlach at Robin Padilla ng pelikula at nagkausap na sila noon pa, pero hindi natutuloy dahil ang hirap pagtagpuin ng mga schedule nila.

Tulad niya, naging abala siya sa shooting ng The Trial at halos wala silang tulog dahil ngaragan at ipapalabas na ito sa Oktubre 15, pero mauuna munang ipalabas ang isa pa niyang pelikulang The Janitor sa Oktubre 8, parehong mula sa Star Cinema.

Bukod pa sa TV show niyang Quiet Please sa TV5, soon ay gagawa siya ulit ng teleserye, pero still hoping ang aktor na matuloy ang pagsasama nila nina Binoe at Morning sa isang pelikula.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa The Trial, gaganap si Goma bilang abogado na magtatanggol kay John Lloyd Cruz sa kasong rape at asawa naman niya si Gretchen Barretto na hihiwalayan niya dahil hindi sila magkasundo, at anak nila si Enrique Gil na maysakit.

May nagtanong kay Goma kung anu-ano na ang naging ‘trials’ niya sa buhay na hindi niya makakalimutan.

“Dalawa ang biggest trial na dumaan sa buhay ko, una, entering the business kasi hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa akin, parang you’re entering something unknown sa akin. Siyempre at that time, I was in college, nagtatrabaho sa McDonalds, eventually and I’m also working sa Bayanihan Dancers, so pagpasok ko talaga ng industry that time hindi ko alam kung ano’ng mayroon at ano’ng mangyayari.

“’Yung pangalawang biggest trial siguro was the time na I was about to get married, hindi ko alam kung ano ‘yung magiging reaction ng mga fans, alam naman natin ang mga fans may pagkaseloso ‘yan, eh. Pero naisip ko at that time before getting married, nag-mature na rin ang mga fans natin na kahit matinee idol ka at nag-asawa ka, they will love you and eventually ‘yung mapapangasawa mo and that’s what happened. So ‘yung mga trials ko, na-overcome ko,”kuwento ni Goma.

Sa madaling salita, hindi ‘trial’ para kay Goma ang mga panahon na nakaaway niya ang media o nang idemanda niya ang sikat na entertainment editor na si Mr. Isah Red na naging dahilan din para i-ban siya ng lahat.

Anyway, bukod kay Goma ay kasama rin sa The Trial sina Gretchen Barretto, Sylvia Sanchez, Jessy Mendiola, Benjamin Alves, Vince de Jesus, Enrique Gil, Vivian Velez at John Lloyd Cruz sa direksiyon ni Chito S. Roño mula sa screenplay nina Kris Gazmen at Enrico Santos handog ng Star Cinema.