Taun-taon, ipinagdiriwang ng mga pamilya ang Elderly Filipino Week sa Oktubre 1-7, upang kilalanin ang mga ambag ng mga nakatatanda sa pagsulong ng bansa at kanilang tungkulin bilang huwaran para sa kabataan. Ang tema para sa taon ay “Nakatatanda: Dangal ng Bayan, Noon at Ngayon”.

Mandato ng Presidential Proclamation 470 noong Setyembre 26, 1994 ang pagdaraos ng unang linggo ng Oktubre bilang Elderly Filipino Week sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang iba pang pambansang ahensiya at organisasyon tulad ng Coalition of Services of the Elderly at ng Federation of Senior Citizens’ Association of the Philippines. Sa ngayon, mayroong mahigit pitong milyong matanda sa Pilipinas, saklaw ang 6.9% ng kabuuang populasyon, 1.3 milyon nito ang maralita. Pagsapit ng 2020, inaasahang papalo sa 9.7 milyon ang matanda.

Bilang bahagi ng selebrasyon, tinatamasa ng mga senior citizen ang libreng sakay sa LRT at MRT at tumatanggap ng mga regalo. Magdaras ang DSWD ng mga aktibidad tulad ng walkathon, isang forum upang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa karapatan ng matatanda, may gawadparangal para sa natatanging nakatatanda, may talent program, tiangge at parada.

Nagpapatupad ang gobyerno, mga pribadong institusyon, paaralan, at non-government group ng mga paraan upang magkaloob ng ayuda sa mga nakatatanda. Tinatamasa ng matatanda ang mga benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng Republic Act 9994, ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, na kabilang ang 20% diskuwento sa lahat ng mahahalagang produkto at serbisyo, gaya ng pagkain, gamot, at bayad sa doktor, pamasahe, pagtigil sa hotel, panonood ng sine, at iba pa. Tumutugon naman sa kanilang mga pangangailangan ang mga tanggapan ng Senior Citizens

National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?

Affairs at community centers sa mga lungsod at munisipalidad.

May ilang ahensiya na ang nag-isyu ng supplemental guidelines sa pagpapatupad ng RA 9994. Mayroon ding flexible rules ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa scholarship grants at ayudang pinansiyal para sa matatanda na nagnanais maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral o kumuha ng technical at vocational training. Pinaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga ospital na magkaloob sa senior citizen ng medical benefits ayon sa batas. Estrikto naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa implementasyon ng priority lanes para sa matatanda sa mga bankong nasa ilalim ng superbisyon ng BSP.

Nagkakaloob ang DSWD ng buwanang P500 social pension sa mga 77 anyos na maralitang Pilipino na mahina na at sakitin o may kapansanan, upang makatulong sa pambili ng gamot at pagkain. Noong 2013, mahigit 254,175 senior citizen ang tumanggap ng buwanang stipend na P500. Para sa 2014, mahigit 46,954 ang inaasahang madadagdag sa bilang na ito.