Nagpahiram kahapon ang Light Rail Transit (LRT) ng sobra nitong riles sa Metro Rail Transit (MRT) matapos maputol ang riles ng huli nang lumagpas ng southbound sa Boni Avenue Station noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay LRT/MRT Spokesman Atty. Hernando Cabrera, nadala na ang extra na riles sa MRT depot na pansamantalang ipapalit sa nadiskubreng putol na riles.

Kung hindi naagapan, posibleng nadiskaril ang mga tren sa gitna ng biyahe at manganganib ang mga pasahero.

Sinabi ni MRT Officer-in-Charge Renato San Jose na umabot sa anim na kilometro ang nakitang mga bitak sa riles dahil 15 taon na ang itinagal nito sa araw-araw na operasyon ng MRT.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaan na dakong 7:45 ng umaga nang madiskubre ang putol na riles ng MRT kaya agad nagpatupad ng provisional service na mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations lamang at pabalik, at libu-libong pasahero ang naperhuwisyo.

Tiniyak ni Cabrera na kasalukuyan nang tinatapos ng pamunuan ng MRT ang procurement ng mga bagong riles upang mabuksan na ang bidding ng proyekto, na hanggang Nobyembre.