May mga pagkakataon na nangangailangan ng galing sa pakikipagkuwentuhan o ng sining ng kaswal na pakikipag-usap. Iyon ang abilidad na makipagkuwentuhan kahit walang halaga ang pinag-uusapan. Kung hindi tayo maingat, ang ating pananalangin ay maaaring maging “pakikipagkuwentuhan” na lamang sa Diyos, dahil nananalangin tayo nang walang kabuluhan, mga isyung mababaw, at hindi nailulutang ang tunay na dahilan ng pananalangin.

Hindi mo ba napapansin na kapag may ipinakiusap sa ating ipagdasal ang kanilang mga mahal sa buhay ay madalas tungkol sa mga pisikal na pangangailangan at madalang ang mga pangangailangang espirituwal? Tayo rin naman, sa ating panalangin, ay humihiling din ng mga pisikal na pangangailangan tulad ng kagalingan sa mga karamdaman, ligtas na paglalakbay sa abroad, ang makapasa sa eksaminasyon, ang maginhawang panganganak, at hinihiling din natin sa Diyos na “mamalagi sa ating piling”. Hindi ibig sabihin nito ay walang pakialam sa atin ang Diyos. Mayroong pakialam ang Diyos sa atin; at ang mahalaga sa atin ay mahalaga sa Kanya.

Ngunit ang pananalangin ay higit pa kaysa pakikipagkuwentuhan. Ito ay isang prosesong espirituwal tungo sa espirituwal na hangarin. Nais ng Diyos na maging malalim tayo sa ating pamumuhay, ang pagpapakinis ng magagaspang nating pag-uugali at paglilinis ng ating karakter. Kaya bakit kontento na tayo sa pakikipag-usap sa Kanya tungkol sa mabababaw na paksa? Kapag ang ating panalangin ay lumipat mula sa pagiging mababaw tungo sa makabuluhan, iniimbitahan natin ang Diyos na gawin ang mas malalim at nakapagdudulot ng transpormasyon na mga gawain sa ating buhay at pati sa buhay ng ating kapwa na ating ipinananalangin. Idudulog natin sa Diyos ang ating mga pinangangambahan; iniimbitahan natin Siya sa ating mga kabiguan; ipinahahayag natin sa Kanya ang ating mga kapalpakan at kahinaan. Ibinubukas nating sa Diyos ang ating buhay upang gawin niya ang espirituwal na gawain.

Panginoon, ibinubukas ko sa Iyo ang aming buhay at inaanyayahang gawin ang lahat ng Iyong naisin upang maging karapat-dapat kami sa Iyo.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3