MONROVIA, Liberia (AP) — Uusigin ang lalaking Liberian na nagdala ng Ebola sa United States kapag bumalik siya sa bansa sa pagsisinungaling sa kanyang airport screening questionnaire, sinabi ng mga awtoridad ng Liberia noong Martes.

Tinatanong ang mga pasaherong paalis ng Liberia kung mayroon silang lagnat at nakasalamuha ang sino mang nahawaan nito. Si Thomas Eric Duncan ay sumagot nang “no” sa mga tanong kung nakapag-alaga o nakahawak siya sa taong namatay sa Ebola. Lumalabas na marami ang nagkakasakit ng Ebola sa kanilang lugar.

Umalis si Duncan patungong US noong Setyembre 19 para bisitahin ang kanyang pamilya at nagkasakit ilang araw matapos dumating. Kasalukuyan siyang nasa isolation sa isang ospital sa Dallas, Texas.
National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?