HONG KONG (AP)— Tinanggap ng mga nagpoprotesta sa Hong Kong noong Biyernes ang alok na pag-uusap noong nakaraang gabi ng lider ng teritoryo na si Chief Executive Leung Chun-ying upang mapahupa ang krisis sa mga demonstrasyon na nagsusulong ng democratic reforms. Ngunit patuloy silang nag-demand na siya ay magbitiw at nanatili sa paligid ng mga headquarters ng gobyerno.

Hindi pa malinaw kung anong uri ng kompromiso ang matatamo ng pag-uusap, ngunit maaaring ang mga ito ay bahagi ng istratehiya para pahinain ang momentum ng mga demonstrador.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho