John Lapus

MALALAMAN na ang mga natatanging pelikula at pagganap sa paghahatid ng Entertainment Press Society (ENPRESS, Inc) ng 11th Golden Screen Awards (GSA) na gaganapin ngayong gabi sa Teatrino Greenhills, San Juan City. Magsisimula ang awards night sa ganap na ikapito ng gabi.

To be hosted by John “Sweet” Lapus, ang resident host ng Golden Screen Awards, bibigyang pugay ng GSA ang pinakamahuhusay na filmmakers at mga artista sa isang natatanging gabi ng parangal.

Ang annual Golden Screen Awards ay sponsored by Dr. Tam Mateo, Nash Coffee by Manila Golden Archer Group, Inc., Sen. Nancy Binay, PomePure Nexus 7P, Manila City Councilor Yul Servo, CML Beach Resort and Water Park (located at Brgy. Nonong Casto, Lemery, Batangas), Dong Juan (located at 72 Mother Ignacia St., QC) at Manila City Vice Mayor Isko Moreno.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang mga major acting winner ay makatatanggap ng gift certificate para sa isang overnight stay sa CML Beach Resort and Water Park. Lahat ng magwawagi ay makatatanggap din ng goodies mula sa Nash Coffee.

Up for grabs ang mga tropeo sa 20 kategorya, kabilang ang Best Motion Picture-Drama na pinaglalaban ng On The Job, Transit, Ekstra, Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?, at Norte, Hangganan ng Kasaysayan.

Contenders naman sa Best Motion Picture-Musical or Comedy ang Four Sisters and A Wedding, It Takes a Man and Woman, at Instant Mommy.

Si Ms. Susan Roces ang tatanggap ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award, pagkilala sa kanyang husay bilang aktres at film producer during her prime.

Inaasahang magiging memorable ang 11th Golden Screen Awards dahil sa kakaibang format ng magiging presentation nito. Sa halip na nakasanayang usual podium style, si Sweet ay aakto bilang entertainment talk show host sa programa na tatawaging “Unli Night of Laughter and Honor” – kumbinasyon ng malikhaing set-up ng isang talk show at pomp ng isang awards night pero light ang setting.

Sasabak si Sweet sa free-wheeling conversation sa mga magwawagi na tatanungin niya kung ano ang kanilang saloobin sa kanilang pagkapanalo ng award. Kakaibang experience ito sa mga magwawagi dahil first time itong magaganap sa isang awards presentation.

Kabilang sa maghahandog ng musical numbers ang dalawang Breakthrough Actor nominees ng 11th Golden Screen Awards na sina Ruru Madrid (nominado para sa Bamboo Flowers) at Adrian Cabido (nominado para sa Lauriana) who will render song-and-dance numbers. May duet number naman si Gabrille Garcia, isang young singer mula sa GMA Artist Center.

Mahigpit ang labanan sa Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) nina Cherie Gil (Sonata), Irma Adlawan (Transit), Lorna Tolentino (Burgos), Lovi Poe (Sana Dati), Rustica Carpio (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?) at Vilma Santos (Ekstra).

Sa kategoryang Best Performance by An Actor in a Lead Role (Drama), finalists naman sina Arnold Reyes (Ang Tag-araw ni Twinkle), Dingdong Dantes (Dance of the Steelbars), Jhong Hilario (Badil), Joel Torre (On the Job), at ang yumaong actor na si Mark Gil (A Philippino Story).

Contenders naman sa Best Performance by An Actress in a Lead Role (Musical or Comedy) sina Angel Locsin at Bea Alonzo (Four Sisters and A Wedding), Eugene Domingo (Instant Mommy), Sarah Geronimo (It Takes A Man and A Woman) at Tuesday Vargas (Ang Pabo Man ay Turkey Rin).

Sa Best Performance by An Actor in a Lead Role (Musical or Comedy), nominado naman sina Enchong Dee (Four Sisters and A Wedding), John Lloyd Cruz (It Takes A Man and A Woman), Rafael Rossel (Gaydar) at Tom Rodriguez (Gaydar).

Sina Angel Aquino (Ang Huling Chacha ni Anita), Coney Reyes (Four Sisters and A Wedding), Jackie Lou Blanco (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?), Ruby Ruiz and Tart Carlos (Ekstra) naman ang magkakatunggali sa kategoryang Best Performance by An Actress in a Supporting Role (Drama, Musical or Comedy).

Para sa For Best Performance by an Actor in a Supporting Role- Drama, Musical or Comedy, ang finalists ay sina Dick Israel (Badil), Joey Marquez (On the Job), Joey Paras (Dance of the Steelbars), Marlon Rivera (Ekstra) at Ping Medina (Transit) Ang Best Breakthrough Performance by an Actress ay matinding pinaglalabanan nina Krystle Valentino (Purok 7), Isabelle Daza (Lihis), Jasmine Curtis Smith (Transit), Max Collins (Bamboo Flowers), Teri Malvar (Ang Huling Chacha ni Anita), at Yeng Constantino (Shift).

Para sa Best Breakthrough Performance by An Actor, finalists naman sina Adrian Cubido (Lauriana), Chino Jalandoni (Sonata), Marc Justine Alvarez (Transit), Mimi Juareza (Quick Change) and Ruru Madrid (Bamboo Flowers).

Mahigpit din ang labanan sa Best Direction kung saan contenders sina Erik Matti (On the Job), Hannah Espina (Transit), Jeffrey Jeturian (Ekstra), Jose Javier Reyes (Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?), at Lav Diaz (Norte, Hangganan ng Kasaysayan).