Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Neneng’ (international name: Phanfone).

Ito ang inihayag kahapon ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Aniya, magtatanghali kahapon nang pumasok sa Pilipinas ang nasabing bagyo na huling namataan sa layong 1,385 kilometro, silangan ng Itbayat, Batanes.

Sinabi ni Aurelio na taglay ng Neneng ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at may bugsong aabot sa 210 kph, at kumikilos pahilagangkanluran sa bilis na 20 kph.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilinaw naman ni Aurelio na walang direktang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa dahil dadaan lang umano ito sa may kanto ng PAR at maaaring lumabas din ngayong araw.

Posible pa rin aniyang makaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa, kabilang na ang Metro Manila.