Naging simbolo ng protesta sa Pilipinas ang yellow ribbon noong 1983. Pinahintulutan si Sen. Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr. na magtungo sa Amerika upang magpaopera sa puso noong 1980, gayong siya ay nahatulan ng isang military court sa ilalim ng martial law. Nanatili siya roon kasama ang kanyang pamilya sa sumunod na tatlong taon. Noong 1983, nagpasya siyang umuwi sa Pilipinas.

Naroon din ang sikat na awiting “Tie A Yellow Ribbon” na tungkol sa isang convict na umuwi sa kanyang tahanan matapos ang tatlong taon at hindi naman nito tiyak kung tatanggapin pa siya ng kanyang pamilya. Kaya nagpadala siya ng mensahe sa kanila na magtali ng isang dilaw na laso sa isang oak tree sa tapat ng kanilang tahanan kung kailangan pa siya roon; kung hindi, hindi siya hihinto at bagkus magpapatuloy pa. Sa Metro Manila, libu-libong dilaw na laso ang itinali sa mga puno sa mga lansangan, iyon ang mensahe ng taumbayan na kailangan pa nila si Ninoy Aquino.

Ang yellow ribbon, na isang simbolo ng protesta, ay ginagamit na ng mamamayan ng Hong Kong na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Nang maibalik ang Hong Kong sa China noong 1997, pumayag ang Beijing na taglayin pa rin ng mga ito ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng polisiya na “one country, two systems”. Gayunman, sa halalang idaraos sa 2017, nilalayon ng Beijing na limitahan ang kanilang choices para sa Chief Executive sa dalawa o tatlong kandidato lamang na aprubado ng isang pro-Beijing committee.

Ito ang ipinoprotesta ng mga mamamayan ng Hong Kong ngayon. Hinagisan sila ng tear gas noong isang araw ngunit patuloy pa rin ang kanilang protesta araw-araw, umulan man o umaraw. Kung paano ito hihinto ay walang makapagsasabi. Malamang na hindi pagpapasensiyahan ng China ang pagpapakita ng rebelyon ito na maaaring mag-udyok sa iba na dalhin sa mga lansangan ang kanilang kilos protesta.

National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?

May nakapagsabi na may epekto ang stand-off sa mga mamamayan ng Taiwan, na maghahalal ng kanilang sariling mga opisyal. Kung muli silang maging bahagi ng China – na ipinangakong gawin ng Beijing – kahit sa ilalim ng “one country, two systems” policy, hindi nila tatamasahin ang parehong karapatan na taglay nila ngayon.

Samantala, panonoorin ng buong daigdig ang mga kaganapan sa Hong Kong. Tayo rito sa Pilipinas, tinanggap natin ang yellow ribbon bilang simbolo ng protesta mahigit 30 taon na ang nakararaan noong 1983, na nagpunta sa EDSA noong 1986, ay kaisa ng mga taga-Hong Kong sa kanilang pakikibaka para sa demokratikong kalayaan.