Mapapasabak sa tig-33 mga laro ang lahat ng 12 koponan sa PBA sa itinakdang 10-month calendar ng liga para sa kanilang ika-40 taon na magsisimula sa Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Magkakaroon ng minimum na 11 laro ang lahat ng koponan sa bawat tatlong nakatakdang conferences kung saan ay magkakaroon ng single-round-robin elimination phase sa Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governors’ Cup. Inaasahan din ng liga na mabibigyan nila ng kakaibang kahuhumalingan ang fans sa tatlong itinakdang post-elim plays.
Inaprubahan ng PBA Board of Governors, sa pamumuno ni chairman Patrick Gregorio, ang nasabing format na iprinisinta ni commissioner Chito Salud sa kanilang planning session sa Novotel Ambassador Gangnam Hotel sa Seoul Korea kamakailan.
Matapos ang elimination round ng Philippine Cup, ang dalawang mangungunang koponan ay awtomatikong uusad sa semifinals habang ang dalawang maiiwanan ay awtomatiko namang mapapatalsik.
Maghaharap naman sa hiwalay na playoff matchups ang No. 3 at No. 10, ang No. 4 at No. 9, ang No. 5 at No. 8 at ang No. 6 at No. 7 kung saan ang higher seed teams ay may twice-to-beat advantage.
Ang lahat ng mananalo ay uusad sa best-of-seven semifinals na dito, ang mangungunang dalawang koponan, ang maghaharap sa best-of-seven titular affair.
Para naman sa Commissioner’s Cup, ang apat na sasadsad na koponan ay maagang magbabakasyon habang ang top 8 ay uusad sa quarters kung saan ang top two teams ay may bentaheng twice-to-beat advantage kontra sa kontra sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, habang magkakaroon ng best-of-three showdowns ang middle teams (No. 3 vs No. 6 at No. 4 vs No. 5).
Ang magwawaging koponan ay aakyat sa best-of-five semis kung saan ang mananalo ay maghaharap sa best-of-seven final showdown.
Sa Governors’ Cup, papasok din ang top 8 teams sa quarters kung saan ay may twice-to-beat incentive ang top 4 squads.
Ang magnanalo ay uusad sa best-of-5 semis at magtatagpo naman sa best-of-seven finals ang dalawang magwawaging koponan.