Muling tatangkain ni Filipino “Assassin” Jack Asis na makapasok sa world rankings sa pagkasa niya kay dating South American at Brazilian lightweight champion Isaias Santos Sampaio para sa bakanteng WBA Oceania super featherweight title sa Oktubre 31 sa Queensland, Australia.
Nabigo si Asis na maging WBC Asian Boxing Council Continental junior lightweight titlist nang magtabla sila ni Japanese Hirohito Fukuhara noong Oktubre 10, 2013 sa Queensland subalit nakabawi siya at tinalo sina dating Indonesian super bantamweight champion Arief Blader (UD 8) at beteranong si Rivo Rengkung ng Thailand (KO 1) kaya nailinya sa laban kay Sampaio.
Tubong Davao City, gumanda ang karera ni Asis mula nang maging manedyer si Aussie Brandon Smith at ang pagtabla kay Fukuhara ang sumira sa walong sunod na panalo niya sa Australia, lima sa pamamagitan ng knockouts.
Kabilang sa mga sikat na boksingerong tinalo ni Asis sa Queensland ay sina Aussie Josh King (KO 1) para maging Australian light welterweight titlist at dating world rated at one-time WBC title challenger
Nestor Rocha ng United States (TKO 2).