Richard Gomez

KUNG hindi na gaanong nagsalita si Dennis Trillo tungkol sa Naked Truth fashion show, kabaligtaran naman si Richard Gomez na very vocal sa pagsasabing hindi dapat humingi ng dispensa ang may-ari ng Bench na si Ben Chan.

Hindi naman masisisi si Richard dahil siya ang pinakaunang celebrity endorser ng Bench at aminado na malaki ang naitulong ng nasabing clothing line sa career niya at sa iba pang mga artistang nakakontrata sa kanila.

Sa The Janitor presscon, diretsong sinabing, "Well, Bench fashion show, it's a show. Wala namang to too ro'n kundi 'yung mga taong naglalakad do'n, eh. Lahat ito ay kathang-isip.:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

At ang basa ni Richard kaya nag-iingay daw ang Gabriela group ni dating Rep. Liza Maza, "This is my opinion, alam naman nating mala pit na ang eleksyon, so, 'yung mga party-list group, sila 'yung maiingay, naghahanap ng issue. Ganu'n lang kasimple 'yun."

"Papaano kung 'yung lalaki ang itinali natin, di bar' balik-tanong niya sa entertainment press. "Mayroon bang rightist group para sa mga lalaki? It's a show, di ba? It's a circus."

Kaya ang suhestiyon ng aktor ay dedmahinna lang daw ang nag-iingay na kababaihan.

"Huwag na nating pansinin 'yung mga 'yun. At sana, ito na ang maging end ng isyu na 'yun. Bench is a good brand, Bench is helpful to a lot of people, Bench is one of the biggest in the fashion industry, Bench is doing this for us," diretsong sabi ni Goma.

Maging ang paghingi ng sorry ni Coco Martin ay pinansin ni Richard.

"Walang dapat mag-sorry. Maraming importanteng bagay na dapat nating bigyan ng focus. 'Eto, ini-entertain nila tayo, 'pinapakita nila kung ano ba ang fashion for the coming season. 'Yun lang naman."

Gagawin din ba niya ang ipinagawa kay Coco na may hawak na lubid na nakatali sa babae?

"Gagawin ko rin," prangkang sagot niya.

Tahasan ding sinabi ng aktor na nakikisawsaw lang daw ang Gabriela sa isyu.

"Oo naman, maraming nakikisawsaw, hindi lang ang Gabriela, marami."

Sabay segue ng aktor na mas pag-usapan na lang ang The Janitor kaysa sa isyu ng Naked Truth na wala lang.

"Itong The Janitor, nangyayari sa totoong buhay ito, bakit hindi ito ang bigyan n'yo ng pansin? Buhay ang pinapatay dito, bakit hindi tuunan ng pansin kung makakatulong sa eleksyon nila ito?" sabi ni Richard.

Ang punto ng aktor, maraming heinous crimes na hindi pa nareresolba kaya mas dapat na ito ang bigyan ng pansin kaysa sa mga isyung hindi na raw dapat pinalalaki.