Hirap ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na basahin o tukuyin ang kondisyon ng nagaalburotong Mayon Volcano.

Inamin ni resident volcanologist Ed Laguerta, halos wala silang mapagkumparahan sa abnormalidad ngayon ng bulkan sa mga unang naganap na pagsabog.

Noong una aniya ay mayroon namang kaunting pagkakapareho ang mga ito.

Sinabi ni Laguerta na “first time in history” na walang naitalang volcanic earthquake subalit nananatili ang alerto nito sa level 3 dahil na rin sa patuloy na abnormalidad batay sa ibang mga bahagdang patuloy na minomonitor ng ahensya, katulad na lamang ng sulfur dioxide (SO2) emission at inflation ng paligid nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kung pagbabatayan aniya ang 1968, 1978, 1984 eruption at maging ang biglaang pyroclastic flow noong 1993, lahat ay pawang explosive habang nakataas ang alert level 3 na agad namang itinaas sa level 4 kasunod ng fullblown eruption.

Lahat ng ito ay mayroon lamang na maikling repose period bago nagkaroon ng major eruption.

Nilinaw niya na may advantage naman ngayon dahil mayroon nang geodetic instrument na ginagamit upang masuri ang inflation ng bulkan, gayundin ang geochemical monitoring gadget na siyang tumutukoy sa tinatawag na degassing activities.