Dennis Trillo

NAKATSIKAHAN namin si Dennis Trillo sa presscon ng The Janitor na idinirek ni Michael Tuviera ng APT Entertainment at ayon sa kanya ang ginawa niya sa Naked Truth ay for the sake of art.

Bilang isa sa mga rumampa na naka-underwear lang, "Wala naman sigurong ipinakita na masama o makaka-degrade sa kababaihan."

Ayaw nang mag-elaborate ni Dennis tungkol sa isyu, ang iniisip niya ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na rumampa na brief lang ang suot.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"First time kong ginawa 'yon sa buong career ko. Ito pa lang ang simula. Natutuwa ako na finally nangyari 'yon. At least tapos na. Hindi ko akalain na gagawin ko 'yon in front of daan-daang mga tao," say ng bida ng The Janitor.

Masaya ang aktor na finally ay ipalalabas na para sa mainstream audience, sa pamamagitan ng Star Cinema, ang pelikulang kumabig ng maraming awards sa nakaraang 10th Cinemalaya Independent Film Festival. Ang The Janitor ang nag-uwi ng Best Director, Best Screenplay, Best Editing, Best Sound at Best Supporting Actor awards.

Willing ba siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema?

"Open po at matagal ko na pong gustong mangyari 'yun. Ngayon po, may mga problema pa po sa mother studio ko (Regal Entertainment). Pero ngayong ni-release ng Star Cinema ang pelikula namin, parang ganu'n rin po ang feeling. Sana makagawa ako ng pelikula sa Star," sabi ng aktor.

Ginagampanan ni Dennis ang isang dating pulis na naging hired killer at inaming may nakausap Silang tao na talagang gumagawa nito, para pag-aralan kung paano ito isinasagawa. Pero ayon sa aktor, mahirap ang maging hired killer dahil konsensiya mo ang kalabanmo.

Ibinalita niya na dadalo siya sa 5th Festival Internacional de Cinema do Porto na gaganapin sa Portugal sa February 27-March 7, 2015.

"Masaya! First time kong a-attend ng international film festival kung sakali na kasama ang pelikulang ginawa ko. Salamat talaga at nagawa ang pelikula na ito na nagbukas ng maraming pintuan. At lalo na, dinistribute pa ng Star Cinema na hindi namin ini-expect lahat.

"Nakakapanibago. Refreshing ang experience. First time ko umattend ng presscon ng Star Cinema. And nakita ko, parang hindi ko kilala ang ibang reporters, kasi nga hindi ko sila nakikita, iba ang crowd sa presscon ng Regal. Natutuwa ako na nangyari 'yun.

"'Yung feeling na Star Cinema ang nag-distribute ng pelikula namin, parang nakagawa na rin ako ng pelikula sa kanila."

Mapapanood na ang The Janitor sa mga sinehan nationwide simula sa Oktubre 8 at kasama ni Dennis sina Richard Gomez, LJ Reyes, Nicco Manalo, Alex Medina, Jerald Napoles, Raymond Bagatsing, Irma Adlawan, Dante Rivero, Sunshine Garcia, Ynez Veneracion at Ricky Davao.