Sa imbestigasyong ginawa sa Senado, si PNP Chief Alan Purisima ang sentro ng mga batikos. Sa kanya ibinibintang ang pagdami ng krimen. Kung sa kolum na ito ay pinagre-resign ko siya dahil hindi lang mangilanngilan ang krimen o pasulput-sulpot lamang ang mga ito kundi may sistema na, ito ay hindi personal sa kanya. Pagkondena ito sa buong sistema ng pamamahala ng gobyerno. Mapipigil ba ni Purisima o ng PNP ang krimen? ang krimen ay may higit na kaugnayan sa paggalang ng mamamayan sa kanilang gobyerno. Kung mahal nila ang kanilang gobyerno, dito natin masasabi kung may krimen mang maganap ay mangilan-ngilan at pasulput-sulpot lamang. Sa pangkalahatan, ang bansa ay tahimik at mapayapa.

Bakit hindi daragsa at may sistema na ang krimen? Kasi, ang paggawa nito ay nasa itaas rin ng ating gobyerno. Sa itaas, ang krimen ay daP at PdaF, sa ibaba ang hulidap. Bilyun-bilyon kung nakawan ang taumbayan sa itaas. ang gumagawa nito ay iyon pang pinagkatiwalaan ng sambayanan ng kanilang kapangyarihan patakbuhin ang gobyerno para sa kanilang kapakanan. Nakikita mo na ang iilan, kasama na nito si Purisima, ay nag-aari ng labis-labis sa kanilang pangangailangan. Ang nakararami naman nilang kapwa na pinagkaitan nila ng kanilang bahagi sa kayamanan ng bansa ay nakatira sa maruming estero, barung-barong at lupang inaari ng iba.

Napakalaki ng pagkakaiba ng mga gumagawa ng krimen ng daP at PDAF at sa gumagawa naman ng hulidap. Matataas na tao, makapangyarihan at nasa sensitibong posisyon ng gobyerno ang gumagawa ng DAP at PDAF. Sinasamantala nila ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mamamayan. Ang puhunan nila ay salapi sa halalan, barong Tagalog, amerikana at posturang pananamit. Higit sa lahat ay tapang ng apog. ang puhunan ng hulidap cops ay buhay o kalayaan kapag sila ay natimbog na hindi nangyayari sa mga DAP at PDAF. Baril na ibinigay sa kanila para pangalagaan ang mamamayan pero binibiktima nila, ang kanilang instrumento. Ang biktima nila ay ang pinipili nilang iilan na hindi gaya ng mga DAP at PDAF na buong sambayanan. Mapipigil mo o mababawasan ang hulidap kung walang DAP at PDAF.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon