MULING tutukuyin ng Kamara de Representantes ang savings sa general Appropriations Act (gAA) para sa 2015 upang maideklara ng Malacañang ang savings, sa unang bahagi ng susunod na taon, bilang anumang alokasyon para sa mga proyektong hindi naipagpatuloy dahil sa makatwirang dahilan.

Unang binanggit ng Supreme Court, isa sa tatlong dahilan nilto para sa pagdedeklara ng Disbursement Acceleration Program (DAP) bilang unconstitutional, ang paglabag sa mga probisyon ng dating mga GAA na, kasama ang iba pa, sinabing maaaring ideklara ang savings sa pagtatapos ng taon lamang.

Inaalok ngayon ng Kongreso na aprubahan ang 2015 gAA na may isang probisyon na maaaring ideklara ang savings kahit na sa unang kalahati ng taon sa ilalim ng ilang kondisyon, tulad ng kapag hindi naipagpatuloy ang isang proyekto o hindi nasimulan dahil sa kawalan ng abilidad ng ahensiya “to obligate an allotment” o kung may nakahandang pondo, dahil sa unfilled, vacant o nilusaw na mga posisyon. Ang nasabing mga pondo ay maaaring ideklara bilang savings.

Ngunit, hindi dapat malimot, ang savings question ay isa lamang sa tatlong dahilan kung bakit idineklarang unconstitutional ang DAP. Ang isa pang dahilan ay ang “crossborder” na pag-release ng pondo, halimbawa, mula sa Executive patungong legislative, na mga halagang ibinigay sa maraming mambabatas. isa pang halimbawa ng “crossborder” na pag-release ng pondo ay mula sa Executive patungong Commission on Audit, na isang independent constitutional commission.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Ngunit ang pangunahing dahilan ng DAP ay giniba ng Supreme Court ay ang pag-release ng pondo para sa mga proyektong hindi naman inaprubahan ng Kongreso sa gAA. Ang Kongreso lamang ang may “power of the purse”. Sa DAP, ang Exective – lalo na, ang Department of Budget and Management (DBM) – ang nagpatupad ng kapangyarihan ng Kongreso na maglaan ng pondo.

Ang muling pagtutukoy sa savings ay hindi ginagawang constitutional ang DAP, gaya ng pinangangambahan ng isang party-list congressman. itinutuwid lamang nito ang isa sa tatlong pagkakamali sa DAP. Magiging mas mainam par asa lahat ng kinauukulan kung ang Konstitusyon ay sinusunod lamang sa letra sa larangan ng public funds. Ang lahat ng gastusin ay kailangang aprubahan ng Kongreso – sa isang supplementary budget, kugn kinakaialngan. Maaaring mayroon pa ring lump sum appropriations tulad ng bilyun-bilyon na para sa Conditional Cash Transfer, ngunit maiiwasan ito sa interes ng transparency.