INCHEON– Nakarekober na si Samuel Morrison, ang bronze medalist sa taekwondo, mula sa neck blow na kanyang nakamit sa kamay ni Masoud Hajizavareh ng Iran noong Martes sa 2014 Asian Games.

Sinabi ni Dr. Ferdinand Brawner na walang anumang senyales na nakita na napinsala ang leeg ni Morrison nang sumailalim ito sa citi scan at x-ray examinations.

“What we’re concerned is the whiplash,” saad ni Brawner.

Morrison is responding to pain-killers. But he’s still under observation. If the headache progresses, he has to tell us.”

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Sinabi ni Brawner, nanood sa nasabing laban, na ang blow ang nagresulta sa pagkawala ng strength at sensation ni Morrison.

“But he was conscious and responding to questions,” giit ni Brawner. “I was told Samuel was a victim of an illegal blow.”

Kinumpirma ni National coach Roberto Cruz ang statement ni Brawner, na nagsabing naisagawa ng Iranian ang illegal punch.

Subalit, ayon kay Cruz, na ginamit na niya ang blue card at ‘di na siya magsasampa ng reklamo.

Si Hajizavareh, nagwagi ng gold medal, at dapat sumailalim sa gangjeom, ngunit naging moot at academic simula ng ‘di na makapagpatuloy si Morrison.