MEXICO CITY (AFP)— Nahuli ng mga sundalo ang isa sa most-wanted drug baron ng Mexcio sa isang restaurant sa isang colonial town na popular sa mga Amerikanong turista at retiree.
Si Hector Beltran Leyva, kilala bilanhg “El H”, ay nahuli kasama ang isang pinaghihinalaang henchman sa isang seafood restaurant sa San Miguel de Allende, isang makasaysayang bayan sa central Mexico, nang hindi nagpaputok ng baril, sinabi ng mga awtoridad noong Miyerkules.
Sinabi ni Tomas Zeron, director of investigations sa attorney general’s office, na si Beltran Leyva ay nagkukuwaring isang “well-off businessman dedicated to real estate and art sales to justify his lifestyle.”