MULING pinalawig ng Department of Health (DOH) ang kanilang Ligtas-Tigdas program hanggang sa Oktubre 10 upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga batang hindi nabakunahan na mabigyan ng proteksiyon laban sa sakit na tigdas at polio.

Kaugnay nito, umapela si Health Secretary Enrique Ona sa mga magulang at mga caregiver na dalhin ang kanilang mga anak na nagkaka-edad ng limang taong gulang pababa sa health centers at vaccination posts upang mabakunahan.

Nabatid na hanggang nitong Setyembre 30, na orihinal na petsa nang pagtatapos ng isang buwang programa, ay umabot na sa 84% o 96.6 milyon ng 11 milyong eligibles ang nabigyan ng Measles Rubella (MR) at 81% o 10.9 milyon ng 13 milyong eligibles ang nabigyan ng Oral Polio Vaccine (OPV).

Nais naman ng DOH na madagdagan pa ang naturang bilang kaya’t unang inianunsyo ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na palalawigin ang programa hanggang sa Oktubre 3 o hanggang ngayong araw.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagpasya naman ang DOH na bigyan ng mas mahaba pang panahon ang mga magulang para mapabakunahan ang mga anak hanggang sa Oktubre 10.