Pinigil ng Korte Suprema ang pagagawa ng kalsada sa Mount Santo Tomas sa lalawigan ng Benguet na bahagi ng watershed na nagsusuplay ng tubig sa Baguio City at sa bayan ng Tuba.

Sa En Banc session ng mga mahistrado ng Korte Suprema noong Miyerkules, nagpalabas ang hukuman ng Writ of Kalikasan at temporary protection order (TEPO) para pigilin ang road project at ang pamumutol ng puno sa nasabing bundok.

Inilabas ng SC ang kautusan kasunod ng petisyon na inihain sa pangunguna nina Baguio-Benguet Bishop Carlito Cenzon at CBCP President Archbishop Socrates Villegas. Pinangalanang respondent sa petisyon sina Baguio Representative Nicasio Aliping, Environment Secretary Ramon Paje, Tuba Mayor Florencio Bentrez at Tuba Police Chief Inspector William Willi.

Ayon sa mga petitioner, nang dahil sa nasabing road project, daan-daang puno ang kinailangang putulin na nagbunga ng landslide sa tag-ulan at nagdudulot naman ng kontaminasyon sa Amliang Dam na pinagkukunan ng tubig sa Baguio City at bayan ng Tuba.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Layunin ng nasabing road project na pagdugtungin ang Mount Kabuyao Highway sa mga sitio ng Amliang at Bekel sa bayan ng Tuba.