TARLAC CITY— Dalawang ice making machine ang ipinagkaloob kamakailan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga isdaan sa Bocaue at Hagonoy, Bulacan.

Ayon sa BFAR, layunin nito na makatulong sa pagsesegurong malinis, sariwa, at ligtas kainin ang mga isdang mahuhuli doon na papasa bilang export quality.

Isa ito sa mga proyekto upang mapabuti ang mga Post-Harvest Facilities sa sektor ng pangisdaan.

Sa tala ng BFAR, hindi bababa sa P47 bilyon ang kabuuang halaga ng mga nahuhuling yamang dagat sa Central Luzon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, nakikita ng ahensiya na kayang pasukan ng rehiyon ang merkado sa Europa basta’t mamumuhunan lamang sa sanitasyon at post-harvest facilities.