Coco Martin

NAGSALITA na si Coco Martin tungkol sa isyung kumaladkad sa kanya na sinasabi ng ilang bashers niya na maaaring makakasira sa gumagandang career niya sa showbiz. Ito ang kontrobersiyal na segment ng Naked Truth ng Bench na kinokondena women's group na anila' y pambababoy sa modelo na tila ginawang parang aso sa naturang fashion show.

Pinasalamatan ni Coco ang lahat ng supporters at kaibigan niya nag-aalala sa kanya at nagbibigay ng moral support sa pagsubok na kinakaharap niya.

"Sa totoo lang po, sobra akong nalungkot sa mga nangyari. Inaamin ko po ang pagkukukang ko dahil dala na rin po ng pagod sa araw-araw na trabaho, hindi ko nakita ang malalim na kahulugan ng pinagawa sa akin sa Bench Fashion show," sabi ng aktor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isinabay din ni Coco ang paghingi ng tawad sa mga nasaktan niya at nangakong mas magiging sensitibo sa mga susunod niyang gagawin lalung-lalo na kung may kinalaman iyon sa karapatang pantao at kababaihan.

Binigyang-diin ng aktor na sobra-sobra ang pagpapahalaga niya sa kababaihan kaya hindi niya kayang mang-insulto ng babae sa kahit na anumang paraan.

"Marami po akong natutunan sa nangyaring ito, una sa lahat ang responsibilidad na kakabit ng aking trabaho," lahad pa niya.

Naghahanda na rin si Coco para humarap sa Gabriela at Philippine Commission for Women para matuldukan na ang isyu. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa kanila.

Ayon naman sa manager ni Coco na si Biboy Arboleda, kinuha nila ang serbisyo ni Atty. Lorna Kapunan dahil nararamdaman niyang nati-threaten na ang hanapbuhay ng alaga niya, lalung-lalo na ang endorserments ni Coco.

Gumagawa sila ng paraan para hindi tuluyang maapektuhan ang hanapbuhay ni Coco, na aminado siyang hanapbuhay na rin niya, dahil alam niyang wala naman talagang kasalanan sa nangyari ang alaga niya.

Inamin ng talent manager na medyo nasaktan sila sa ginawa ni Ben Chan na hindi agad nakipag-communicate sa kanila sa kainitan ng isyu. Aniya, dumaan muna ang limang araw at kumalat na ang isyu

at saka pa lang siya tinawagan ng may-ari ng Bench.