Mismong si Pangulong Aquino ang nanguna sa heroes’ welcome para sa mga Pinoy peacekeeper na nagsagawa ng courtesy call sa Malacañang.

Mainit na tinanggap ni Aquino ang 340 sundalong Pinoy na nakatakas mula sa mga rebelde sa Position 68 sa Golan Heights.

Kasabay nito, binigyan ng Distiguished Service Medal sina UNDOF chief of staff Col. Ezra James Enriquez at Contingent Commander na si Lt. Col. Ted Damusmog.

Bukod dito, ginawaran ng Gold Cross Medal sina Capt. Nilo Ramones, 2Lt. Larry Endozo, M/Sgt. Wilson Lagmay, Sgt. Alwin Cuyos, S/Sgt. Leonardo Aboy, S/Sgt. Andy Mejos, S/Sgt. Ramil Bobiles at Cpl. Joneve Acolicol na nakatalaga sa Position 68.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ipinaliwanag ng Pangulo ang naging basehan ng pullout mula sa Golan Heights habang mananatili naman ng ilang Philippine contingent sa deployment sa ibang mga bansa.

Ayon sa Pangulo, pansamantalang pinauwi ang tropa sa Golan Heights dahil tapos na ang kanilang tour of duty habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng UN kaugnay sa hostage-taking.