IPINAGDIRIWANG ng Republic of Korea (ROK) o South Korea ang paglilikha ng estado ng gojoseon (sinaunang Korea) ni haring Dangun wanggeom noong 2333 BC. Ang okasyon ay tinatawag na gaecheonjeol na nangangahulugan ng national Foundation Day at naisabatas bilang pambansang pista opisyal noong 1909.

Naitatag ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at ROC noong Marso 3, 1949. Malapit na kaalyado ang Pilipinas ng ROK. Maraming South Korean ang may marubdob na pasasalamat sa Pilipinas sa pagiging unang bansa na nagpadala ng tropa upang ipagtanggol ang ROK mula sa pananakop noong dekada 50. Aktibong sinusuportahan ng Pilipinasang inter-Korean peace process at reconciliation efforts.

Nangunguna ang mga Korean bilang source ng turista para sa Pilipinas sa nakaraang anim na taon. Maraming Korean ang bumibisita sa Pilipinas upang mag-aral ng English at mamasyal sa kahangahangang mga beach lalo na sa Cebu, Davao, Bohol, at Boracay. Matapos pumalo sa ika-isang milyong Korean visitor dalawang taon na ang nararaan, inaasahan ng Pilipinas ang dalawang milyong Korean tourist mark pagsapit ng 2016. Ang ROK ang isa sa pinakamalaking trading partners ng Pilipinas. Layunin nito ang patibayin ang trade relations lalo na sa larangan ng semi-conductors, agriculture, at turismo. Sa ngayon, ang ROK ay isa sa nangungunang exporters ng advanced technology products at serbisyo na pinasigla ng high-tech multinationals ng bansa tulad ng LG, Hyundai-Kia, at Samsung.

Binabati natin ang mamamayan at pamahalaan ng Republic of Korea sa pangunguna nina Pangulong Park geun-hye at Prime Minister Kim Jung Hong-won, sa okasyon ng kanilang Foundation Day.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!