Nanawagan si QCPD Director Chief Supt. Richard Albano sa publiko na mag–ingat lalo na ngayong ‘ber’ months kasunod ng insidente ng isang estudyante na tinangayan ng P100,000 halaga ng pera at gadget noong Miyerkules sa Quezon City.

Kinilala ng Kamuning Police Station ang biktima na si Ina Belo, estudyante ng isang kilalang eskuwelahan sa Quezon City, at residente ng No.15 Charity Street, Capitol Estate 2, Batasan Hills, Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Base sa report, bandang 5:00 ng hapon, kumakain si Belo sa isang restoran sa panulukan ng Dr. Lascano at Tomas Morato nang tabihan ng dalawang lalaki na kaagad ding umalis tangay na ang bag ng biktima na naglalaman ng cash at mga gadget na umaabot sa halagang P100,000.

Kaugnay nito, agad inatasan ni Albano ang mga pulisya sa Quezon City para manmanan at hulihin ang naglipanang grupo ng kilabot na Salisi gang.
National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA