Nagbunyi ang mga estudyante makaraang lagdaan diskuwento nila sa pamasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan kahit sa mga araw na walang pasok.

Inaprubahan ng House Committee on Transportation ang House Bill No. 8501 ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na nagbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa mga estudyante sa public transport utilities sa buong bansa .

Ayon kay Vargas, naniniwala siya mahihikayat nito ang mga estudyante na lumahok sa academic, extra curricular at civic activities kahit na wala silang pasok.

Ikinatuwa naman ito ng mga estudyante na nagsabing kahit Sabado at Linggo ay may pasok sila ngunit hindi nabibigyan ng diskuwento sa pasahe dahil ito ang mandato ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na sinusunod ng mga tsuper ng mga pampasaherong jeep at bus.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Maaaring i–report ang mga driver na hindi nagbibigay ng diskuwento sa LTFRB para sa mga pampublikong sasakyan maliban sa mga tricycle.

Ang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) at Manila Metro Rail Transit (MRT) at sa eroplano at barko ay maaaring magsumbong sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Magmumulta naman ng hanggang P1,000 ang mga driver na lalabag sa batas at kukumpiskahin ang kanilang lisensiya sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.