HONG KONG (AFP)— Iginiit ng mga pro-democracy na demonstrador sa Hong Kong na magbitiw na ang palabang lider ng Hong Kong sa pagpatak ng deadline noong Huwebes, habang nagbabala ang China sa United States laban sa pakikialam sa kanyang “internal affairs.”

Binigyan ng mga nagpoprotesta, na apat na araw nang isinara ang southern Chinese, ang chief executive na si Leung Chun-ying ng hanggang hatinggabi para magbitiw, o mahaharap sa mas matitinding aksiyon.

“We will consider having different operating actions in future days, including occupying other places like important government offices,” sabi ni Agnes Chow ng student movement Scholarism.

Sa Washington, binalaan ng Beijing ang United States na ‘wag makialam, sa pinakamadiing tugon nito sa mga suporta sa buong mundo sa suffrage movement na Hong Kong.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Hong Kong affairs are China’s internal affairs,” sabi ni Foreign Minister Wang Yi kay US Secretary of State John Kerry sa isang press conference.

“All countries should respect China’s sovereignty and this is a basic principle of governing international relations,” ani Wang.

Idinagdag niya na hindi papahintulutan ng Beijing ang “illegal acts that violate public order.”

Sumagot si Kerry na hinihinok ang mga awtoridad ng Hong Kong na “exercise restraint and respect the protesters’ right to express their views peacefully.”

Ang apat na araw nang mapayapang demonstrasyon ay nagdala sa libu-libong mamamayan sa mga lansangan ng Hong Kong at pinaralisa ang trapiko habang iginiit nila na ipagkaloob ng Beijing ang malayang halalan sa semiautonomous na lungsod.