Tinalo ng College of St. Benilde (CSB) ang nakaraang taong kampeon na San Beda College (SBC), 3-0, sa kanilang knockout finals match upang angkinin ang titulo ng men’s division sa pagtatapos ng NCAA Season 90 table tennis competition sa Ninoy Aquino Stadium.

Una rito, nakapuwersa pa ang first round topnotcher na Red Paddlers ng knockout finals matapos mangibabaw sa 4-team second round, kabilang na ang 3-2 pagbigo sa Blazers.

Ngunit pagdating sa finals, hindi na pinaporma nina Koby Cabrido, Joshua Que, Ryan Jacolo, Ryan Sy at magkapatid na Sergio Louie II at Serknight Benoya ang Red Paddlers upang tapusin ang limang taon nilang paghahari.

Ang titulo ang ikalawa ng Blazers matapos silang magkampeon noong 2008, malayo sa most winningest team ng liga na Letran na may walong titulo at pumapangalawang San Sebastian College (SSC) na may lima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagawang kumpletuhin ng Lady Red Paddlers at ng Junior Red Paddlers ang dalawang round ng eliminasyon, 11-0 at 12-0, ayon sa pagkakasunod, upang makamit nila ang titulo.

Ang tagumpay ang ikalawang sunod at pangkalahatan para sa Lady Red Paddlers na binubuo nina Lyr Eden Leyva, Stephanie Co, Kryslyn Manez, Beverly Paulma at magkapatid na Jazel May at Samantha Marie Ingeniero.

Malayo pa rin sila sa Lady Blazers na siyang winningest team sa liga na taglay ang walong titulo at pumapangalawang San Sebastian na may apat.

Sa juniors division, naibalik naman ng Junior Red Paddlers ang korona na nawala sa kanila sa nakalipas na dalawang taon.

Ang kampeonato ang ika-lima naman para sa San Beda na binubuo nina Kian Bolado, Aisiah Garcia, Ryan Juardo, Arc Marcelino, Jann Mari Nayre at Josel Sisor.

Nakaungos sila ngayon sa dating kasalo sa ikalawang winningest team na San Sebastian na may apat na titulo ngunit malayo pa rin sa nangungunang Letran na may 16 na titulo.