Mariing tinutulan ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nilulutong tax sa text ng pamahalaan.

Ayon kay CBCP-ECPA Executive Secretary Father Jerome Secillano, sa halip na isulong ang pagbubuwis as text messaging, mas dapat munang tingnan ng pamahalaan ang kanilang pagiging inefficiency hinggil sa pangongolekta ng iba’t ibang buwis at kung saan napupunta ang kanilang koleksyon.

Aniya, mas kinakailangan ipakita ng pamahalaan sa mamamayan na hindi sa iilang bulsa napupunta ang mga buwis na nakokolekta at hindi ang pagbibigay ng karagdagang pahirap na tax sa text sa mga mamamayang, maralita na.

“Dami na nilang nakukuha then may isyu ngayon ng DAP, PDAF, paano magtitiwala ang mamamayan, magbabayad ka naman pero saan mapupunta yan?” ani Secillano, sa panayam ng Radio Veritas.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Binuhay ng pamahalaan sa pamamagitan ni Finance Undersecretary Jeremias Paul na upang mapataas muli ang koleksyon ng buwis dapat ng patawan nito ng buwis ang mga text message kaugnay na rin ng planong tax exemption para sa 13th month bonuses.